DAGUPAN CITY- Nakaalerto na ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Mangaement Office (MDRRMO) sa bayan ng Binmaley bilang paghahanda sa epekto ni bagyong Nika sa kanilang lugar.
Ayon sa panayam kay Armenia Delos Angeles, Officer in Charge ng MDRRMO-Binmaley, na simula noong nakaraang araw ay nagsagawa na sila ng monitoring at pagbibigay abiso sa lahat ng kanilang mga nasasakupan lalong Lalo na sa mga nakatira sa mga coastal areas sa posibleng epekto naman ng storm surge.
Aniya na nakipag-ugnayan din sila sa barangay disaster risk reduction management ng bawat barangay dahil sila ang nagsisilbing first line of defense na higit na nakakaalam at agad na makapagsasagawa ng assessment at monitoring sa kanilang nasasakupan.
Panawagan din nito na mas mainam ang pre-empetive evacuation upang agad na makapaghanda ang mga residente sa kanilang paglikas. Ngunit kung kinakailangan ay agad naman rin silang nagsasagawa ng force evacuation para sa kaligtasan ng bawat residente.
Nanatili naman ang kanilang pag-antabay Lalo na at sunod sunod ang mga bagyo na nararanasan. Palagi naming bukas ang kanilang tanggapan at nakahanda maging ang kanilang mga kagamitan.