Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng relo na mistulang singnipis ng isang karton?

Ito kasi ang naimbento ng isang watchmaker sa Russia!

Kung saan, nakagawa ito ng record holder na pinakamanipis na relo sa buong mundo!

--Ads--

Ayon sa ulat, tinawag niya itong ThinKing, isang obra ng Russian watchmaker na si Konstantin Chaykin.

Ang relo ay kilala bilang pinakamanipis na mechanical wristwatch sa mundo sa kapal na 1.65 mm lamang.

Ayon kay Chaykin, naimbento niya ang relo sa industriya ng horology kung saan nagtatagisan ang mga kilalang brand upang makagawa ng pinakamanipis na relo.

Dahil dito, dinisensyo niya ang ThinKing gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng ultra-thin winding barrel at double-balance wheel system, na hindi lamang nagpanipis kundi nagpagaan dito sa bigat na 13.3 gramo.

Gawa naman ang relo sa stainless steel na kayang matagalan ang pressure ng araw-araw na pagsusuot. Gawa ang strap nito sa alligator leather na may titan at elastic inserts para protektahan ang relo.