Nakatakas ang 40 mga unggoy sa isang research facility ng Yemassee, South Carolina. Kaya ang mga otoridad, todo ang abiso ng pag iingat.

Kamakailan lamang nang maglabas na sila ng mga thermal imaging cameras at mga patibong upang muling huliin ang mga unggoy.

Mahigpit na rin inabisuhan ng mga kapulisan ang mga residente na panatiliing isara ang mga pintuan at bintana ng kanilang bahay upang hindi sila pasukin ng mga naturang hayop.

--Ads--

Sinabihan na rin sila na iwasan lapitan ang mga ito kung sakaling matagpuan at agad din tumawag sa 911.

Hindi pa nilalantad ang breed ng mga nakatakas na unggoy, subalit ayon sa research facility, kabilang na sa mga ito ang macaque at capuchin.

Ang naturang pasilidad ay nagbibigay ng nonhuman primate products at bio-research services. May lawak ang kanilang pasilidad ng 100 acres para sa pag-quarantine, breeding, holing at research space.

Nagsasagawa naman sila ng clinical trials, kabilang na ang kagamutan sa brain disease, at anila, mataas ang kanilang standards pagdating sa pangangalaga ng mga hayop.