Nagbigay babala ang mga state forecasters sa maaaring malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga urbanisado at mabababang lugar o rehiyon na malapit sa kailugan sa northern Luzon habang papalapit sa kalupaan ang Severe Tropical Storm Nika.
Ayon sa advisory ng PAGASA, inaasahan na makakaranas ng intenste to torrential raifall ang Cagayan, Isabela, Apayao, at Aurora. Kaugnay nito, mula ngayon araw hanggang kinabukasan, araw ng martes, ay maaaring umabot sa 200 millimeters ang dami ng pag-ulan sa mga lugar.
Dahil dito, magdudulot ito ng matinding pagbaha at pagguho ng mga lupa.
--Ads--
Dagdag pa nila, maaaring mas marami ang pag-ulan sa bulubundukin at matataas na lugar na maaaring matinding epekto ang idulot sa kalapit na lugar.