Hindi makakaapekto ang pagbubukas ng isang gate ng San Roque Dam kung saan sinimulan na ang kontroladong pagpapakawala ng tubig kaninang alas dose ng tanghali matapos nitong maabot ang 278.08 meters dalawang metro bago maabot ang spilling level na 280 meters.

Ayon kay Maria Teresa Serra Flood Operation Manager, San Roque Dam nakapagbigay sila ng abiso sa lahat ng mga local government units upang makapaghanda sa pagpapakawala tubig.

Aniya na nagbigay ng forecast rainfall ang PAGASA at base sa nasabing forecast ay nasa moderate to heavy rainfall ang mararanasan sa lalawigan kaya’t sabadao pa lamang ay napagdesisyunan na ng kanilang pamunuan na magpakawala ng tubig ngayong araw kahit hindi pa nararating ang spilling level.

--Ads--

Bagama’t ay papasok naman bukas ang bagyong ofel sa bansa ay isa na rin itong paghahanda sa magiging pag-ulan ng dulot nito.

Hindi naman aniya magdudulot ito ng mga pagbaha dahil napakaliit lamang ng discharge na tubig.

Dadaan naman ito sa mga lugar gaya ng San Manuel, San Nicolas, Asingan, Tayug, Sta. Maria, Villasis, Bautista, Alcala at iba pa.

Pagbabahagi naman nito na patuloy ang kanilang pagbibigay ng sapat na impormasyon at ina-assure na nakatutulong ang dam para hindi makadagdag sa pagbaha.

Paalala parin nito sa publiko na maghanda, mag-ingat at makinig sa mga update ukol sa lagay ng panahon.