Mga kabombo! Hinangaan ang ina mula Texas, U.S.A. ang kaniyang kagalingan.

Ito’y matapos na nakapagtala ng world record dahil sa nakapag-donate na ito ng ilang libong litro ng breastmilk para sa mga premature na sanggol!

Kinilala ang Ina na si Alyse Ogletree, 36-anyos, nagsimulang mag-donate noong 2010 matapos niyang malaman ang tungkol sa pangangailangan ng mga premature babies ng breastmilk.

--Ads--

Kung saan ang kanyang mismong donasyon ay napupunta sa Mothers’ Milk Bank sa North Texas, kung saan ang bawat ounce ng gatas ay maaaring mapakina­bangan ng tatlong premature na sanggol.

Dagdag pa rito, nagbigay din siya ng gatas sa kanyang mga kaibigan at sa Tiny Treasures Milk Bank.

Sa kabuuan, nakapag-donate si Alyse ng mahigit 2,645.58 liters ng breastmilk na siyang ­naging daan para gawaran siya ng world record title na “Largest Donation of Breastmilk by an Individual”.
Para kay Alyse, ang donasyon ng gatas ang kanyang paraan upang makatulong sa kabila ng limitadong kakayahan sa pananalapi.