Mas madaling makakabangon ang mga magsasaka kung magkaroon ng full crop insurance coverage para sa agrarian reform beneficiaries upang mabigyan sila sa kompensasyon mula sa pagkalugi sa mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Leonardo Montemayor Chairman, Federation of Free Farmers winewelcome nila ng ganitong inisyatibo at aniya ay magkakaroon itong dalawang magandang epekto.

Una ay mas madaling makabangon ang mga magsasaka sa epekto ng kalamidad at pangalawa ay mas makasisiguro na mayroong sapat na suplay ng pagkain.

--Ads--

Subalit hindi ito basta basta maipapatupad lalo na at isa sa nakikita niyang hadlang ay ang funding support mula sa pamahalaan kaya’t dapat ay mayroong budget para dito.

Nakabase rin ang ibibigay na insurance sa extent o laki ng damage at aniya ay P30,000 lamang ang maximum na ibinibigay.

Bukod dito ay hindi lamang crop insurance ang magiging sakop nito bagkus pati na rin ang livestock at fisheries o mga non-crop.

Dahil sa sunod-sunod na pagtama ng bagyo sa bansa ay mahalaga aniya ang maitutulong ng nasabing crop insurance program.

Kaya’t dapat itong palawakin at palakasin upang magpatuloy ang mga farmers sa pagsasaka.