BOMBO DAGUPAN – Hindi na nakakagulat pa ang resulta ng halalan sa Amerika.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Blanco Pitlo III, Foreign Policy and Security Analyst, malaking impact sa turnout ng election ang nangyaring assasination attempt kay President Elect Donald Trump kung saan nakakuha siya ng simpatya at malaking factor din ang kanyang pronouncement pagdating sa isyu ng immigration at mga economic issues na kinakahanap ng Amerika.
Habang sa panig naman ni Kamala Haris ay hindi naging malinaw ang mga economic platform at agenda nito.
Mistulang nakulangan ang iba sa pagtugon ng kasalukuyang administrasyon sa mga problema sa kanilang bansa.
Malakas at malinaw aniya ang stand ni Trump sa mga issues kung saan ito marahil ang hinahanap ng mga botante sa kanilang lider.
Samantala, nakikita rin niya na may pangamba ang mga mamumuhunan sa isyu ng kalakalan na maaaring ipatupad ni Trump.
Dagdag pa niya na isa rin sa babantayan sa mga susunod na mga buwan ay ang stand ng Trump administration sa mga isyu tulad sa West Philipine Sea, Taiwan Strait, kaguluhan sa Israel, sigalot ng Ukraine at Russia at iba pang usaping pang seguridad.