Dagupan City – Nakataas na dito sa lalawigan ng Pangasinan ang gale warning dahil sa bagyong Marce at kasalukuyan paring nasa signal number 1 sa ilang parte lugar sa probinsya.
Kaya pinapayuhan ang ilang bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot habang ang mga malalaking sasakyang pandagat ay inaalerto laban sa malalaking alon.
Ayon kay Arcenio Dulay isang Mangingisda sa Barangay Bonuan Binloc na hindi sila makapalaot ngayon dahil sa lakas ng alon sapagkat kung pilitin nila ay baka masira ang kanilang bangka gayundin baka mapahamak ang kanilang buhay.
Aniya na ang ginagawa na lamang nito ngayon ay inaayos ang kaniyang bangka dahil kung maari nang makapalaot at handa na siya.
Dagdag nito na mag-iisang linggo na din aniya itong hindi nakapalaot dahil sa bagyo kaya minsan tinutulungan na lamang nito ang kanyang asawa sa kanilang tahanan.
Kaugnay nito kapag nagpapalaot umano ito ay nakakakuha ng ilang kilo ng isda at hipon ngunit ngayun ay zero.
Samantala, mahirap umano ang buhay mangingisda tuwing may mga ganitong sama ng panahon ngunit kung maayos naman aniya ang panahon ang problema naman nila ay ang ilang throlls o ibang mangingisda galing sa ibang lugar na pumupunta sa kanilang area minsan nagiging perwisyo para sa kanila.
Sa kabilang banda, kasalukuyan ng may naghuhukay sa parte ng bonuan binloc sa kamakailang nasira na daanan ng mga tao sa lugar upang maayos ito dahil malaki ang naging epekto ng nagdaang bagyong Kristine sa lugar dala ng Storm surge. (Oliver Dacumos)