Mga kabombo! Paano kung malaman mong ipinagluluksa ka na pala ng iyong pamilya?
Tila bangongot kasi ang nangyari sa isang pamilya sa Eltingville, Staten Island, New York City, matapos itong puntahan ng mga pulis at sabihang isang miyembro ng pamilya nila ang nasawi matapos masagasaan.
Ngunit matapos na magluksa, ang kaanak na inakalang nasawi na ay buhay na buhay pa pala?
Ayon sa ulat, kinilala ang inakalang nasawi na si Denise Owen, 44-anyos. Base sa salaysay, mismong ang pulis ang nag-kuwento sa kapatid ni Denise na si Sheila at agad din nitong ibinalita sa kaniyang pamilya.
Noong una ay nahirapang tanggapin ng mga ito ang balita, ngunit kalaunan ay naisip din na i-donate na lamang ang organs ni Denise.
Ayon pa sa kanya, si Denise ay schizophrenic at minsan ay nagpapalaboy-laboy sa kalsada.
Ngunit, sa loob lamang ng 18 hours, namataan ng isa pang kapatid ni Sheila si Denise malapit sa isang convenience store at buhay na buhay ito.
Dahil sa balot ng kalungkutan at pagkabalisa sa pamilya, nagdesisyon silang magsumite ng reklamo kaugnay sa maling report ukol sa kanyang kapatid.
Bakas naman ang matinding emosyon na pinagdaanan ni Sheila dulot ng masamang balita ukol sa kapatid.