Nahaharap sa pambabatikos ang bababang presidente ng Ghana na si Nana Akufo-Addo matapos magawa ang kaniyang sariling monumento sa labas ng isang ospital sa syudad ng Sekondi.
Ayon kay Minister Kwabena Okyere Darko-Mensah, ito ay upang bigyan pugay ang ginawang pagpapabuti ng naturang pangulo sa kanilang bansa habang ito ay nakaupo.
Gayunpaman, hindi ito nagustuhan ng mga Ghanaians at nakikita lamang nilang pinupuri ni Akufo-Addo ang kaniyang sarili.
--Ads--
Nakatakda naman bumaba sa pagkapangulo si Akufo-Addo sa enero matapos ang kaniyang dalawang termino.
Kaniya naman ipinagmamalaki na nagawa niyang matugunan ang 80% na kaniyang ipinangako sa Ghana.