Pinanghahawakan ng mga tao ang pahayag na “I’m here to fix the problem” kung kaya nakuha ni US pres. elect Donald Trump ang maraming boto sa makasaysayang halalan sa Amerika.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent sa Florida, USA, tinuran nito ang kaibahan ng dalawang magkatunggali kung saan tumutok umano si Trump sa mga Amerikano at nakikipag usap siya sa mga ito noong panahon ng kanyang pangampampanya habang si Kamala Harris ay nakatutok lang sa katungggali na si Trump.
Marami umanong batikos kay Trump at muntik na siyang paslangin sa paghahangad na mapaatras siya sa pagtakbo. Naniniwala ang mga bumuto sa kanya na lahat ng batikos sa pangulo ay paninira lamang.
Sa kanyang pag upo, umaasa ang mga amerikano na aayusin ang mga mga problema sa kanilang bansa gaya ng nauna nitong ipinangako sa kanila.
Ang mga usapin sa inflation na aniya ay hindi nagawang solusyunan ng kasalukuyang administrasyon ang nagtulak sa mga tao na iboto si Trump.
Wala naman umano silang nakikitang bantang kaguluhan sa kanyang pagkakapanalo.
Maituturing aniyang makasaysayan ang pagkapanalo ni Trump dahil nakuha nito ang electoral at popularity vote kung saan nakuha nito ang
pinag aagawan na battle ground naatunay na ayaw na nila sa present administration.
Dagdag pa ni Tejejero na hindi rin mangyayari ang pinangambahang world war 3 dahil may plano siyang pamunuan ng maayos ang kanilang bansa.