Namataang minamatyagan ng isang Chinese Navy Warship ang Ajex Dagit-Pa joint exercise ng Philippine military forces sa Kota Island, sa West Philippine Sea.
Dahil dito ay nagpadala ng mensahe sa radyo ang Philippine Navy Offshore patrol vessel na BRP Alcaraz sa naturang Chinese ship, na isa umanong corvette, upang paalisin sa sa pagpasok ng bisinidad ng Pilipinas.
Subalit, anila, hindi tumugon ang vessel ng China at mukhang nagmamasid lamang at pinapanuod ang joint exercise ng Pilipinas.
--Ads--
Samantala, kabilang naman sa joint exercise ang Philippine Navy, Philippine Air Force at ang Philippine Coast Guard. Nagsagawa sila ng isang simulation bilang pagtugon kung sakali man atakihin ng isang foreign force ang Pilipinas.