Bumuo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng isang task force na mag iimbestiga sa di umanoy extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Department of Justice, ang pagbuo ng task force ay sa pamamagitan ng Department Order (DO) 778 na nakapetsa noong Nobyembre 4.

Sa ilalim ng kautusan, ang task force ay mag iimbestiga, magsasagawa ng case build-up, at magsampa ng mga reklamo laban sa mga salarin at sa mga sangkot sa EJKs.

--Ads--

Ito rin ay direktang makikipagtulungan at tutulong sa House of Representatvies quad committee at ang Senate Blue ribbon committee sa kanilang isasagawang imbestigasyon.

Papangunahan naman ito ng isang senior assistant state prosecutor, katuwang ang regional prosecutor kasama ang 9 na miyembro mula sa National Prosecution Service (NPS). Inaatasan din ang Natinal Bureau of Investigation na tumulong sa task force.