DAGUPAN CITY- Hindi lamang sa pagkapresidente at bise presidente nangunguna ang mga republicans kundi maging sa senado at kongreso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Grace Divina Valera, Bombo International News Correspondent sa USA, halo-halo ang reaksyon ng buong Amerika sa pangunguna ni Donald Trump dahil hati-hati rin ang kanilang pinapanigan
Gayunpaman, aniya, marami ang ikinagalit ang Victory speech ni Trump sapagkat hindi pa opisyal ang kaniyang pagkapanalo.
Kaugnay nito, malaki umano ang magiging epekto ng pagkapanalo ni Trump para sa administrasyon ni US President Joe Biden.
Inaasahan naman ni Valera na mabilis lang din lalabas ang opisyal na nanalo dahil naging mabilis din ang proseso sa pagboboto.
Subalit, kung titignan naman ang resulta sa electoral votes ay makikita na ang nagwagi sa naturang halalan.