Ikinabahala ng environmental group na Ban Toxics ang maagang pagbebenta ng ilegal na paputok.
Ayon kay Tony Dizon, Campaigner ng Ban Toxics, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ikinagulat niya sa kanilang pag iikot sa mga pamilihan na may mga maagang nagbebenta ng Prohibited Firecrackers.
Aniya sa kanilang monitoring, bumungad sa kanila ang apat hanggang limang nagtitinda ng paputok.
Ikinabahala pa nila dahil dalawa sa mga klase ng mga paputok na ipinagbabawal katulad ng five star at picolo ay ibinibenta ng mga pamilihang ito.
Muling nanawagan ang grupo sa gobyerno na magpatupad na ng ban sa mga paputok .
Kung sakaling tuluyang maipagbawal ito ay malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang mga nabibiktima ng paputok at mabawasan ang polusyon.
Matatandaan na ikinadismaya ng grupo ang tambak ng mga basura na naiwan matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon kung saan karamihan nito ay mga basura na mula sa mga paputok.