Nag-post si dating US president Donald Trump sa kanyang social media platform na Truth Social at sinabi ang umanoy malaking pandaraya sa Philadelphia.
Hindi niya binanggit ang mga detalye ng diumano’y pandaraya o anumang ebidensya.
Sinabi naman ng Philadelphia Police Department na kanila pa itong ibeberipika dahil hindi nila alam kung ano ang tinutukoy ni Trump.
Nag-post naman si Larry Krasner, ang District Attorney ng Philadelphia at isang Democrat, at sinabing wala talagang anumang batayan mula sa law enforcement upang suportahan ang akusasyong ito.
Nag-post din si Seth Bluestein, ang Republican City Commissioner ng Philadelphia at sinabi rin na walang katotohanan ang akusasyong ito.
Isa na naman itong halimbawa ng maling impormasyon.
Giit niya na ang pagboto sa Philadelphia ay ligtas at secure.