Dagupan City – Nanatili ang tensyon kaninang umaga sa oras ng Pilipinas sa naganap ng US 2024 US Election.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Luna Orth, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, nauna nang tinutukan ng mga aspiring presidents ang mga swing states sa bansa.
Sa kasagsagan ng election, naka high alert na rin ang mga kapulisan sa bansa matapos makatanggap ng mga banta sa eleksyon gaya na lamang ng naging banta kay Former president Donald Trump na papaslangin daw ito kapag siya ang mananalo.
Isa naman sa inaasahan ng mga republican sa ipinangako ni Trump aniya ay ang pagkakaisa at kapayapaan.
Ayon naman kay Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, nakaranas ang mga botante sa Pennsylvania kaya nadelay ito ng 2 oras sa botohan.
Muli naman nitong binigyang diin na bagama’t payapa pa ang nangyayaring eleksyon sa kanilang bansa ay inaasahan naman ang mga ilang maitatalang kaguluhan sa pag-upo na mismo ng maihahalal na presidential aspiring candidate.