Humihingi na rin ang Luzerne County, sa Pennsylvania ng karagdagang oras ng botohan sa kanilang lugar matapos magkaroon ng aberya.

Ayon sa korte ng Pennsylvania ay may mga polling precincts ang nagkakaroon ng technical issues.

Anila, hindi umano tinatanggap ng sistema ang boto ng mga botante.

--Ads--

Pinayagan naman ng korte ang petisyon na payagan ang naturang lugar na mag-extend ang kanilang oras ng botohan. Magtatapos ito sa oras ng 9:30 ng gabi, oras sa kanilang lugar.

Kinumpirma na rin ng Pennsylvania Court system na tatlo na ang naghain ng election cases, kabilang na ang Luzerne, Northampton at Cambria.