DAGUPAN CITY- Tensionado ang buong Estados Unidos dahil sa dikit na laban sa pagitan ni Donald Trump at Kamala Harris.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cleoffe Forrey, Bombo International News Correspondent sa bansang USA, bagaman may mga nauna nang bomoto noong nakaraang araw dahil sa early voting, marami pa rin ang dumagsa sa polling stations upang bumoto.

Aniya, maaari din naman bomoto sa papamagitan ng email at tsaka na lang idadaan sa balota.

--Ads--

Sinabi naman ni Forrey na karamihan sa mga kabahaihan ay pinaghahawakan ng kanilang boto ang kandidatong sumusuporta sa kanilang pamilya habang sa mga matatanda ay ang social security.

Kaugnay nito, may isang estado umano ang dating naniniwala sa republicans na naging democrats dahil sa nararanasang issue sa kanilang bansa.

Samantala, sinabi naman ni Ludovico Baqueriza III, Bombo International News Correspondent sa New York, alas 6 palang ng umaga sa Estados Unidos nang magising ang mga tao at naghintay na magbukas ang mga polling stations.

Aniya, organisado ang botohan at hindi nagkakaroon ng delay. Maliban pa riyan, naging maayos din at tahimik ang botohan.

Idineploy naman ang mga kapulisan sa mga polling stations para tiyakin na napapanatili ang kaayusan.

At sa oras naman ng botohan ay wala umanong nagsasabi kung sino ang kanilang iboboto.

Dagdag pa niya, umaasa na lamang sila na kung sino man ang mananalo ay papagandahin pa ang bansang Amerika.