Dagupan City – Malapit nang maabot ng Severe Tropical Storm Marce ang kanyang bagong katergorya bilang Typoon ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan City.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng PAGASA Dagupan, ang bagyo ay nasa bahaging malapit sa parte ng Baler Aurora at inaasahan pa itong lalakas dahil sa pananatili sa katubigan.

Aniya, kumikilos ito pa-northwestward habang may posibilidad naman sa araw ng huwebes na maglalandfall ito sa parte ng Cagayan lalo na kung mapalakas ang high pressure area sa taas na magpapababa papuntang West Philippine Sea malapit sa Pangasinan.

--Ads--

Ngunit kung humina naman itong high pressure ay maaring dumeretso lamang ito sa northwestward na aasahang makakalabas na rin sa weekend patungo sa bansang China.

Dahil naman sa diameter ng bagyo na nasa approximately 300 kilometers, ay makakaranas ang lalawigan ng Pangasinan ng pagbgso ng hangin at kaunting pag-ulan.

Samantala, kung sakali umanong maglandfall ito sa area ng extreme northern Luzon, may posibilidad din itong magkaroon ng Storm Surge.

Sa kabilang banda, wala pa aniyang nakikitang low pressure area sa labas ng Philippine area of Responsibility dahil napakalayo pa nito kaya hindi pa gaanong monitored ng kanilang opisina.