Mga kabombo! Kung sa nagdaang bagyo ay pahirapan ang panghuhuli ng isda, ngayon mistulang blessing ang naranasan ng mga taga-Cebu!

Paano ba naman kasi, another blessing! Ang naranasan ng mga Cebuano mataps na muling binaha ng grasya mula sa karagatan ang mga residente sa isang barangay sa Moalboal, Cebu dahil sa mga isdang tamban na napadpad sa dalampasigan.

Ayon sa ulat, makikita na hindi magkamayaw ang maraming residente ng Barangay Basdiot, na mistulang sinasalok na lang ang mga maliliit na isda na nasa tabing-dagat.

--Ads--

Nangyari ang insidente nitong Linggo ng umaga, na matatandaang naganap na rin dalawang buwan pa lang ang nakalilipas sa Panagsama Beach.

Naniniwala naman ang mga eksperto na ang pagdagsa muli ng mga tamban ay produkto pa rin ipinatupad noon na closed fishing season ng ilang buwan kaya nakapagparami ang naturang mga isda.

Dagdag pa rito, may posibilidad din na napunta sa baybayin ang mga tamban dahil sa pagbabago ng temperatura sa dagat, o dahil sa direksyon ng agos ng dagat, o kaya naman ay hinahabol sila ng predator o kumakain sa kanila.