Nakipagkarera ang isang award-winning cake artist na si Elza Baldzhiyska sa oras matapos nitong kinailangan ayusin ang kaniyang ginawang life-size cake version ni Superstar singer Taylor Swift bago ito ipakita sa isang international show.

Ilang oras na lang ang nalalabi nang malaman niyang natanggal ang dalawang kamay ng kaniyang cake at hindi maikakailang ikinadismaya niya ito.

Nangyari ito nang ilipat ito mula Windsor, England kung saan siya nakatira at dalhin ang cake sa Cake International sa National Exhibition Center sa Birmingham.

--Ads--

Maliban sa natanggal ang kamay ni Taylor Swift, nagkaroon din ito ng cracks sa kaniyang braso at buhok nito.

Ayon kay Elza, higit 100 oras ang kaniyang ginugol upang magawa ang replika ni Taylor Swift sa iconic blue at white sequin dress noong The Eras Tour.

Isa naman si Elza sa 1,500 bakers, artists, chocolatiers at patisserie chefs ang mgpapakita ng kanilang mga gawa sa Cake International show.

Makikita rin ang ibang replikas sa naturang events kabilang na ang cake replika ni Queen Elizabeth I na gawa ni world class sugar artist Emma Jayne.