DAGUPAN CITY – Arestado ang isang 21 anyos na estudyante sa bayan ng Villasis dahil sa pagbibenta nito ng iligal na droga.
Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquina, COP ng Villasis PNP, matagal na nilang binabantayan ang akusadong si Adrian Matthew Laplana, residente ng Barangay Villa, Pozorrubio Pangasinan at ito ay kabilang sa kategoryang Street Level Individual.
Ang naturang drug suspek ang nag babagsak ng iligal na droga sa barangay Lipay at Amamperez sa naturang bayan, nang makatanggap ng report ang mga kapulisan na mayroon itong kalakaran sa barangay Baracca, dito na sila nagkasa ng operasyon upang itoy maberipika.
Nagpanggap naman bilang buyer ang operatiba ng kapulisan, at positibong sila ay nabentahan ng suspek.
Nakumpiska ang 4.9 grams ng suspected shabu na may street drug price na P33, 320 na nakalagay mula sa 9 na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet.
Kumpiskado din ang ibang drug evidence gaya na lamang ng isang cellular phone, 1 weighing scale, 1 black pouch, 1 improvised plastic totter, 1 piraso ng lighter, gubting, 1 improvised plastic scope 1 piraso ng 100 peso bill bilang dusted busybust money, 4 na piraso ng 100 peso bill a boodle money at 5 piraso ng 500 peso bill bilang boodle money.
Giit ni Serquina, mayroon pang ibang kasamahan ang naturang akusado ngunit sa kasamaang paalad sila ay agad na nakasibat dahilan upang sila ay magsagawa ng dragnet operation.
Sa naging panayam ng kapulisaan sa naturang drug suspect, bagamat batid nito na ito ay iligal, bunsod na din ng kahirapan sa buhay, kaya ito lamang aniya ang alam niyang paraan para mabilis na kumita ng pera.
Sa kasalukuyan nananatili sa kustodiya ng Villasis PNP ang akusado at humaharap sa kasong may kauganyan sa RA 9165 Comprehensive Dangerous drugs act of 2002.