Ikinabahala ng mga otoridad ang pagbuga ng “ash” o abo ng Mt. Kanlaon kahapon.
Ayon sa isang resident volcanologist ng Mt. Kanlaon Observatory, dakong 4:36 ng hapon kahapon nang maobserbahan nila ito. Gayunpaman, wala pa silang naitatalang reports ng ashfall sa ma kalapit sa residetial areas.
Bagaman nagkaroon ng pagbuga ng abo ay hindi pa ito maituturing na “eruption event.”
Umabot naman ng 300 meters above the crater ang ibinugang abo at tumunogng timog-kanluran.
Wala rin naitala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na seismic o infrasound signal sa mga oras na iyon.
Samantala, nakapagtala naman ang Phivolcs ng 14 volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon at 6 na pagbuga ng abo simula 12am ng Sabado hanggang 12am ng linggo.
Nananatili naman nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Kanlaon.