Ibinahagi ng Asingan Municipal Police Station ang kanilang naging assesment sa kakatapos na paggunita ng undas sa bayan lalo na ang pagtutok sa dagsaan ng mga tao sa mga sementeryo.
Ayon kay Pmaj. Jimmy Paningbatan ang Officer-in-Charge ng Asingan Municipal Police Station na naidaos ito ng matagumpay dahil wala namang naitala na mga untoward incident sa loob ng sementeryo o ilang kriminalidad.
Aniya na nasa 25 ang tauhan nilang ideneploy sa 3 sementeryo sa bayan habang nasa higit 150 naman dito ay mga mga uniformed personel sa ilang mga hanay sa gobyerno, mga Non Goverment Agency volunteers at iba pang force multipliers upang matiyak ang seguridad ng mga tao.
Saad pa nito na ang nakaharap lamang nilang problema ay ang daloy ng trapiko dahil nang sumapit ang hapon ay dumami ang bugso ng mga taong pumapasok sa mga sementeryo.
Hindi naman aniya sila nakapgtala ng datos ng mga nakumpiska ng mga pinagbabawal na ipasok sa loob ng sementeryo dahil sumunod naman aniya ang mga tao.
Samantala, umabot aniya sa higit 5 libo na mga indibidwal ang bumisita sa kasagsagan ng undas.