DAGUPAN CITY – Humigit-kumulang 200, 000 na mga residente sa Matsuyama, Japan ang inilikas matapos umabot sa alert level 5 dahil sa banta ng landslide at pagbaha dulot ng matinding pag ulan habang nagpapaulan pa rin ang labi ng tropical storm sa mga bansa ng East Asia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent in Japan na nalubog ang buong syudad ng Matsuyama kaya’t mandatory na pinapalikas ang lahat ng mga residente doon.
Matatandaan na noong buwan naman ng Hulyo ay nagkaroon naman ng lanslide sa naturang lugar kung saan gumuho ang bundok na nakaapekto naman sa kilalang castle doon na dinarayo ng mga turista.
Naging maayos naman ang responde doon at aniya na organized, systematic at well-coordinated ang lahat ng mga hakbanging isinagawa.
Kung saan top-down level of risk management ang koordinasyon ng pamahalaan.
Hindi naman nagkaroon ng panic buying doon dahil kalmado naman ang mga residente at aniya sa pagbili sa mga convenience store ay nakalakhan na nila ang ‘think of others’ kayat paisa-isa lamang ang kanilang pagbili.
Samantala, dahil walang kuryente kapag ganitong mga sitwasyon ay hindi pa niya alam kung kumusta naman ang ating mga kababayan na naapektuhan sa nasabing lugar.