BOMBO DAGUPAN – Isinasagawa rin sa Canada ang tradisyon na nakagawian sa Pilipinas sa tuwing sumasapit ang undas.

Ayon kay Ruth Magalong, Bombo International News Correspondent sa Canada, ang mga Canadian ay nagtutungo sa puntod at cremation center para mag alay ng dasal at bulaklak.

Saad nito na sa dekada na pamamalagi niya sa Canada, binibigyang halaga ang All Saints Day at All Souls Day.

--Ads--

Katulad sa atin ay hindi nawawala ang pagkain at naglalagay ng “atang” o alay na pagkain sa altar at nagtritirik din ng kandila sa altar.

Samantala, ang mga kabataan doon ay nagbibihis ng traditional Halloween costume at nagpaparty rin kung saan masayang nagpupunta sa mga bahay bahay nakung tawagin ay trick and treat na nauso na rin dito sa bansa.