DAGUPAN CITY- Inaasahan na ng mga kapulisan sa bayan ng Anda ang pagdagsa ng 21,000 magtutungo sa mga sementeryo at iba pang mga lugar ngayon undas at long weekend.
Ayon kay PMaj. Romulo Oclarino Jr., ACOP ng Anda PNP, umaabot sa 80 personnel ang nakadeploy sa bawat sementeryo at mga pampublikong lugar kabilang na ang bus terminal at Tondol Beach.
Katuwang naman nila sa pagtitiyak ng kaayusan sa bayan ay ang mga reservist mula sa Bureau of Fire Protection, Rural Health Unit, Local Disasrer Risk Reduction and Management Council, Public Order Safety Office, at ilang mga boluntaryo sa bayan.
Samantala, may 9 na sementeryo sa bayan ng Anda at nagsagawa na rin sila ng inspeksyon sa mga ito isang araw bago ang unang araw ng nobyembre.
Kaugnay nito, sinabi ni Oclarino na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagdala ng mga matutulis na bagay, speaker na may malakas na tugtugin, at alak.
Nakaantabay naman ang kanilang police assistance desk para sa publiko.