BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang tao habang isa ang nasugatan sa karambola ng walong sasakyan sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Ayon kay PLT.COL. Edgar Palaylay, chief of police sa bayan ng Malasiqui, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng ng National Road ng Magsaysay St., Brgy. Poblacion, Malasiqui kung saan kinasasangkutan ng walong sasakyan.

Ang mga sangkot nasasakyan ay kinabibilangan ng tricycle na minamaneho ni John Tamayo Rosal, 42 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Lokeb Sur, Malasiqui.

--Ads--

Isang SUV na minamaneho ni Rodrigo Robles Quinzon, 76 taong gulang, at residente ng Brgy. Pacuan, Malasiqui. May apat na kasama ito.

Isa ring motor na minamaneho ni Mario Lopez Macaranas, 67 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Apaya, Malasiqui.

SUV na pinapatakbo ni Arnel Dela Vega De Vega, 40 taong gulang, may-asawa, freelance sales representative, at residente ng Brgy. Bongar, Malasiqui.

Pulang motorsiklo na minamaneho ni Christopher Allan Oalang Ferrer, 48 taong gulang, walang asawa, merchandizer at residente ng Brgy. Tuliao, Santa Barbara

Itim na motorsiklo na minamaneho ni Alex Penoliar Torres, 59 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Alacan, Malasiqui.

SUV na pinapatakbo ni Romeo Lemon Mararac, 72 taong gulang, may-asawa magsasaka at residente ng Brgy. Canan Norte, Malasiqui.

At motorsiklo na pinapatakbo ni Jasper Espinoza Navarete, 23 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Manaol, Pozorrubio.

Sa inisyal na imbestigasyon,napag-alaman na ang V1, V3, V4, at V5 ay naglalakbay mula hilaga patungong timog, mula sa bayan ng Malasiqui patungong Bayambang nang biglang nag-accelerate ang sumusunod na sasakyan, at sunud-sunod na bumangga sa mga nabanggit na sasakyan, na nagtapos sa pang anim na motorsiklo na galing sa kabaligtaran na direksyon.

Dahil sa matinding impact ng banggaan, ang unang nabanggit na motorsiklo ay naitulak pasulong at bumangga sa mga kasalubong na na dalawa pang sasakyan na mula sa kabilang direksyon.

Dahil dito, ang lahat ng driver at pasahero na sangkot ay dinala sa Malasiqui Municipal Hospital .

Ang driver na si John Tamayo Rosal ay idineklarang patay ng kanyang attending physician.

Lumalabas sa imbestigasyon na nanigas umano ang paa ng drayber nang naapakan ang accelerator at hindi na naapakan pa ang preno kaya nagdere deretso ito na bumangga.

Sa kasalukuyan ay nihahanda na ang kasong ireckless imprudence resulting to homicide and damage to property laban sa driver.