Mga kabombo! Isa ka ba sa naniniwala sa kasabihang “antayin mo ang ganti ng isang api?”
Mala-teleserye kasi ang nangyari sa kuwento ng kinilalang si Simon Sio, 65-anyos na ngayon ay isang kilalang self-made businessman sa Macao.
Aniya, bata pa lamang ito ay ginagawa niyang playground ang Hotel Central, na matatagpuan sa Avenida de Almeida Ribeiro o San Ma Lo sa Macao dahil malapit lamang ito sa kanilang tahanan.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong kinaladkad palabas dahil sa pagiging madungis.
Dito na umano ipinangako sa sarili na balang araw ay siya ang magmamay-ari ng hotel.
Makalipas naman ng ilang taon at nakaipon, nagpatayo si Simon ng kanyang sariling real-estate development company, ang Lek Hang Group.
Hanggang sa nadagdagan pa ang kaniyang ar-arian noong 2009, at unti-unti na nga nitong nabili ang hotel sa pamamagitan ng acquisition process na inabot ng 7 taon.
Matapos mabili ang hotel, pinagtuunan niya ng pansin ang renovation.
Sa kabila ng pinagdaanan, nilinaw naman ni Simon na wala nang galit sa puso niya. At ang target niya lamang ngayon ay gawing tourist attraction ito.