DAGUPAN CITY- Puspusan na ang pakikipag koordinasyon ng Pangasinan PNP Maritime sa bawat sub-station nito sa buong probinsya para sa paghahanda at seguridad partikular na sa mga coastal areas kaugnay sa paggunita ng undas ngayon taon.
Ayon sa panayam kay PMSg Jerwin Nabor, Operation PNCO, Pangasinan MARPSTA, na kanilang titiyakin ang buong seguridad para sa pagkakaroon ng ligtas at maayos na paggunita sa araw ng mga patay.
Nakikipag-ugnayan na sila sa bawat bayan at iba’t ibang ahensya para sa deployment lalong lalo na sa mga baybayin at maging sa mga pribado at pampublikong sementeryo at mga lugar.
Naghihintay na lamang din sila ng mga kautusan mula sa local na pamahalaan sa syudad ng Dagupan para sa ipapatupad sa bahagu ng Tondaligan Beach.
Isa aniya ito sa kanilang mahigpit na tutukan lalong Lalo na ang inaasahang pagdagsa ng mga bibisita mula sa mga kalapit na bayan at mga turista.
Kaugnay nito, magkakaroon din sila ng assistance desk sa bukana ng Tondaligan beach para sa anumang impormasyon o agarang aksyon na kinakailangan ng mga bisita.
Sinabi ni Nabor na isa sa kanikang layunan ang makapagtala ng zero incident ngayon taon. Kaya magka
Samantala, batay naman sa monitoring ng PAGASA Dagupan City na asahan ang light to moderate rainfall o panaka nakang mga pag-ulan ang mararanasan sa araw ng undas at ngayong long weekend dahil sa epekto ni bagyong leon at inaasahan na sa darating na October 31 pa na makakalabas sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.