DAGUPAN CITY- Buong nakahanda na ang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng San Carlos para sa paggunita ng undas sa araw ng biyernes, Nobyembre 1.

Ayon kay FCInsp. Ronaldo Perez, City Fire Marsha; ng BFP-San Carlos City, nagsimula na noong nakaraang araw nag deployment ng kanilang mga personnel sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod.

Nagsagawa na rin sila ng flushing o paglilinis sa loob at labas ng sementeryo upang matiyak ang malinis at maayos na lugar matapos ang nagdaang bagyo at pag-ulan sa nakalipas na araw.

--Ads--

Bukod pa riyan, nagsagawa na rin sila ng information drive, inspection sa mga terminal at mga lugar na laging pinupuntahan, at iba pang mga paghahanda para makaiwas sa mga hindi inaasahang insidente.

Nakatakda naman ngayon araw ang kanilang pakikipagpulong sa pangunguna ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba pang mga ahensya para sa kahandaan sa darating na undas.

Samantala, nakaantabay naman ang kanilang tanggapan para sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita at mananatili ang kanilang deployment hanggang sa ika-3 ng Nobyembre.

Paalala naman ni Perez na siguraduhing naka-unplug sa mga saksakan ang appliances bago umalis sa bahay at maging alerto at ibayong pag-iingat.