DAGUPAN CITY- Isang pagkakataon ang muling pagbubukas ng consolidation para sa mga unconsolidated na hindi mawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Liberty De Luna, National President ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, kanilang ikinatutuwa ito subalit maaaring huling pagkakataon na ito upang humabol.
Aniya, na malaki na rin ang inaasahang karagdagang 10,000 magpapa-consolidate at hindi sila tuluyan mawawalan ng prangkisa.
Gayunpaman, magiging bukas ang kanilang kooperatiba upang tanggaping drayber ang mga hindi susunod.
Kaya kaniyang hiling sa mga tumututol na para ito sa pagpapautang sa pagmomodernize ng pampasadang sasakyan at may kaakibat naman itong sabsidiya mula sa gobyerno.
Hindi rin naman aniya gusto nina Transportation Sec. Jaime Bautista at USec. Jesus Ferdinand Ortega na may maiwan sa sektor ng transportasyon.
Samantala, sinabi naman ni De Luna na nagsisimula na silang makatanggap ng P5,000 sa kanilang ATM mula sa sabsidiya ng gobyerno.
Kaniya naman panawagan sa gobyerno na magtuloy-tuloy na ito at hindi na mahirapan ang mga operators sa pagkuha ng mga dokumento para sa ayuda.