Arestado ang 38 anyos na lalaki sa bayan ng Bayambang matapos lumabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naaresto ang suspek dahil sa paglabag sa batas na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na tumutukoy sa “Importation of Dangerous Drugs.”

Dito ay ipinapahayag ang mga parusa at kriminal na pananagutan sa sinumang tao na nahuling nag-iimporta ng mga ipinagbabawal na gamot.

--Ads--

Bukod pa riyan ay linabag din ng suspek ang RA 10591 na kilala bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kung saan nagkulang ang suspek sa pagpapabuti ng regulasyon sa mga baril at bala.

Pinatawan naman siya ng “service sentence” na kung saan siya ay inuutusan na magsagawa ng mga serbisyo sa komunidad bilang bahagi ng kanyang parusa.

Ang suspek ay dinala sa Bayambang District Hospital upang sumailalim sa Physical Examination at idineretso na rin sa kustodiya ng Bayambang MPS.