BOMBO DAGUPAN – Pasado na sa Department of Budget and Management (DBM) ang maagang pagpapalabas sa yearend bonus at cash gift ng mga empleyado ng pamahalaan.
Sa inilabas na Budget Circular 2024-3, itinatakda ang maagang pagpapalabas sa yearend bonus at cash gift ng mga kawani ng gobyerno.
Inaamyendahan ng budget circular ang Section 6.1 ng Budget Circular 2016-4 na nagtatakda ng guidelines sa pagkakaloob ng yearend bonus at cash gift.
Ang yearend bonus ng mga empleyado ng pamahalaan ay katumbas ng isang buwang basic pay hanggang Oct. 31 at cash gift na P5,000.
Inilabas ni Pangandaman ang bagong budget circular makaraang maobserbahan na patuloy na nakararanas ng delay ang mga government personnel sa pagtanggap ng kanilang bonuses at cash gifts, na nakaaapekto sa kanilang morale, motivation, at level of job satisfaction.
Matatandaan sa mga nakalipas na taon, karaniwang ipinagkakaloob ang yearend bonus at cash gift sa qualified government employees na hindi mas maaga sa Nobyembre 15.
Pasado na sa Department of Budget and Management (DBM) ang maagang pagpapalabas sa yearend bonus at cash gift ng mga empleyado ng pamahalaan.
Sa inilabas na Budget Circular 2024-3, itinatakda ang maagang pagpapalabas sa yearend bonus at cash gift ng mga kawani ng gobyerno.
Inaamyendahan ng budget circular ang Section 6.1 ng Budget Circular 2016-4 na nagtatakda ng guidelines sa pagkakaloob ng yearend bonus at cash gift.
Ang amyenda ay ginawa upang ipagkaloob ang yearend bonus ng mga empleyado ng pamahalaan na katumbas ng isang buwang basic pay hanggang Oct. 31 at cash gift na P5,000.
Inilabas ni Pangandaman ang bagong budget circular makaraang maobserbahan na patuloy na nakararanas ng delay ang mga government personnel sa pagtanggap ng kanilang bonuses at cash gifts, na nakaaapekto sa kanilang morale, motivation, at level of job satisfaction.
Matatandaan samga nakalipas na taon, karaniwang ipinagkakaloob ang yearend bonus at cash gift sa qualified government employees na hindi mas maaga sa Nobyembre 15.