Irerekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang kasong pluder laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa P112.5 million confidential fund expenses.

Sinabi ni House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na maaaring ikonsidera ng panel ang pagsampa ng kaso kung hindi pa rin magawa ng bise presidente na maipaliwanag ang paggasta ng Department of Education(DEPED) noong 2023 sa naturang budget.

Idiniin naman niya na kailangan mabigyan ng transparency ang paggastos sa pampublikong pondo.

--Ads--

Aniya, kung hindi ito maipaliwanag ng bise presidente nang maupo siya bilang kalihim ng DepEd sa panahon na iyon, tungkulin ng kanilang komite na magsagawa ng legal na hakbang upang maprotekahan ang interes ng publiko.

Dagdag pa niya, pera ng taumbayan ang ginamit para sa pondo at kailangan matiyak na nagamit ito ng tama.