BOMBO DAGUPAN – Tinatayang maglalaro sa P46 ang magiging halaga ng ibabang presyo bigas dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, nauna rito ay inaasahan sana ang P42 na presyo ng bigas dahil nagsimula na rin ang anihan ng palay ng mga magsasaka.
Pero dahil sa pagkasira ng mga aanihin na palay ay hindi na aasahan ang malakihang pagbaba sa presyo nito.
Samantala, inaasahan na rin umano ang bahagyang pagtaas sa presyo ng ilang mga gulay.
Batay sa kanilang initial na assessment ay hindi naman naging matindi ang epektong bagyo sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang bahagi aniya ng La Union, Ilocos Sur, Isabela at Bicol Region ang pinaka matinding tinamaan ng nasabing kalamidad.
Samantala, sa usaping importasyon, halos 3.5million metric tons ang nakapasok na sa bansa at tinatayang nasa 4.2million metric tons ang papasok na imported rice sa bansa.