Ang right-of-way ay isang limitasyon sa isang ownership ng lupa o pag-aari ng lupa kung saan ito ay ang karapatan na tinatalaga ng batas para sa isang lupa na napapaligiran ng iba pang lupa na pag-aari ng ibang tao na kumuha ng nararapat na daanan upang siya ay makalabas at makapasok sa kanyang lupain mula sa pinakamalapit na pampublikong daanan.

Ang batas sa right-of-way ay nasa Article 649 at 650 ng New Civil Code.

Kung saan nakasaad naman sa Article 651 ng New Civil Code na ang laki o lawak ng isang right-of-way ay depende sa needs o pangangailangan ng dominant estate o ng nakulong na lupa at ito ay pwedeng baguhin from time to time depende sa needs ng nasabing lupa.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charice Victorio – Lawyer, na may mga tuntuning nakapaloob dito kung saan kinakailangan na kapag ang isang tao ay nagsampa ng petisyon para sa easement of right of way ay mapatunayan niya sa hukuman ang apat (4) na rekisitong kailangan para mabigyan ng right of way.

Bagama’t, may kara­patan ang isang tao na mabigyan ng road right of way at para magamit niya ito sa ibang tao

Samantala, kung sakaling maisipan namang magsampa ng isang tao ng kaso para sa right of way ay kailangan muna itong idulog sa barangay upang makapag-usap muna ng mga property owners na maapektuhan.

Sapagkat, kung hindi dadaan sa barangay ay maaring ibasura kaagad ng husgado ang petisyong isasampa.

Kaya’t ani Atty. Victorio na maigi pa ring pag-usapan nang maayos ang usapin bago magsampa ng kaukulang reklamo para makahingi ng right of way.