Isang tila naulila o inabandunang kuting ang dinala sa isang shelter ng hayop sa Germany kung saan buong akala ng mga rescuers na isa itong cute lamang na kuting subalit nagpakita ito ng hindi pangkaraniwang agresibong pag-uugali na nagresulta ng pagkakatuklas nito bilang isang European wildcat.
Sinabi ng Bergheim Animal Shelter na ang maliit na pusa ay dinala ng isang miyembro ng publiko na natagpuan itong nag-iisa sa isang kalsada sa nasabing bansa at nababahala sa agresibong pag-uugali ng hayop. Bukod dito ay ayaw din nitong kumain.
Naghinala ang mga staff ng shelter na ang kuting ay hindi isang alagang pusa, at nakipag-ugnayan sa Retscheider Hof wildlife center, kung saan nakumpirma na ang hayop ay isang European wildcat, isang protektadong ligaw na species native sa kanilang lugar.
Ayon sa wildlife center, ang batang wildcat ay inaalagaan kasama ng isa pang miyembro ng species nito hanggang sa sila ay sapat na gulang upang maibalik sa wildlife.