DAGUPAN CITY – Kasalukuyang nasa above critical level ang marusay river sa bayan ng Calasiao at pinaghahandaan ang posibilidad ng pre-emptive evacuation sa mga malalapit sa nasabing ilog.
Ayon kay Kristine Joy Soriano, LDRRMO III, Calasiao wala pa namang reported na critical flooding sa kanilang bayan subalit may mga naipaulat na ring pagbaha sa ibang lugar lalo na sa mga low lying areas.
Aniya na naaabisuhan na ang mga barangay officials sa bayan gayundin ang lokal na pamahalaan upang makipag-ugnayan sa otoridad sakaling may mangailangan ng tulong.
Samantala, may mga ilang punong naipaulat na natumba sa ibang barangay at nagkaroon din ng power interruption matapos ang naranasang malalakas na hangin dulot ng bagyong Kristine.
Sa ngayon ay passable naman lahat ng kalsada at tulay sa Calasioa sa lahat ng klase ng sasakyan.
Paalala naman nito sa lahat lalo na sa mga residente ng kanilang bayan na maging alerto at umantabay lagi sa lagay ng panahon.
Matatandaan na umapaw ang nasabing ilog noong nakalipas na buwan matapos nitong maabot ang critical level nito.