Dagupan City – Nilinaw ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan na walang ‘unprogrammed funds’ sa ipinasang 2025 annual budget para sa taong 2025.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, walang unprogrammed o unappropriated funds dahil ito ay ipinagbabawal ng DILG at ng pamahalaan.

Lahat ng pondo ng probinsiya ay may kanya kanyang inilaanan para sa mga Pangasinense.

--Ads--

Ito ay matapos aprubado ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang P7.1 bilyon na annual budget para sa taong 2025.

Dagdag pa nito, mas mataas ng P1.5 bilyon ang budget kung ikukumpara ngayong taong 2024 na nasa P5.5 bilyon.
Aniya, sa pagtaas ng budget ng lalawigan ay dahil sa pagtaas ng share sa National Tax Allocation ng probinsiya at ang paglago ng generated income.

Inihayag pa ni Lambino, nakalaan ang budget sa mga priority program at service ng administrasyon sa ibat ibang sektor gaya na lamang ng personnel services, social services, agriculture, health, at education services.

Sa annual budget 2025, ang pinakamalaki rito ay mula sa edukasyon, agrikultura at kalusugan.

Sa edukasyon, isa sa tinututukan aniya ang Pangasinan Polytechnic College (PPC), sa agrikultura naman ay ang expansion ng corporate farming program, habang sa kalusugan ay ang programang e-consulta.

Kaugnay nito nakalaan naman na aniya ang P1 bilyon sa infrastructure development ng lalawigan.