Usap-usapan ngayon ang alingawngaw ng issue nina Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte at sa kanilang pamilya.

Ito’y matapos na mabasa online ang naging sentro ng bashing na naghahanap umano sa kanila nang magsimulang mananalasa ang bagyong Kristine sa kanilang lalawigan.

Kumalat kasi ang balitang nasa Siargao Island umano ang mag-amang Villafuerte, kasama ang girlfriend ni Luigi na si Yassi Pressman, ilang kaanak at kaibigan, pati na ang SK official’s ng kanilang lalawigan.

--Ads--

Dahil dito, kaliwa’t kanan ang natanggap ng mga itong pambabatikos sa kanila.

Sa kanyang social media post nitong, nag-upload si Luigi ng resibo o patunay na nakabalik na umano sila sa Maynila ilang araw bago manalasa ang bagyong Kristine.

Ibinahagi pa nito ang screenshot ng kanyang boarding pass pabalik ng Manila mula sa Siargao.
Ayon sa gobernador, nakabalik na sila noong lunes pa lamang mula sa tinatawag niyang “tourism benchmarking” kasama ang SK officials ng kanilang lalawigan.

Ibinahagi pa nito na araw pa lang ng lunes ay nagsagawa na kaagad sila ng “evacuation, rescue missions, and relief operations.”

Agad naman itong inalmahan ng isang netizen at sabay hirit na dapat ay noong araw pa lang na nasa Siargao sila ay nag-mobilize na ito ng mga hakbang at gagawin para sa probinsiya gayong may babala na noon sa pagtama ng bagyo sa Camarines Sur.