Tuloy tuloy ang monitoring at koordinasyon ng Local Disater and Risk Reduction Management Office ng bayan ng Sual matapos ang pagtama ng bagyong Kristine sa bansa.

Kung saan lunes pa lamang ay minabuting ipaalam na sa mga residente lalo na sa mga coastal barangays na may paparating na bagyo.

Ayon kay Carla Adriano LDRRMO Head, Sual na ang mga malalapit sa baybayin ang kanilang prayoridad lalo na at tumaas ang tubig dahil sa tuloy-tuloy na naranasang pag-ulan gayundin at lumaki ang mga alon sa baybayin kaya’t inabisuhan na nila ang mga residente na lumikas na.

--Ads--

Aniya na umabot sa higit 400 ang naitalang evacuees sa barangay poblacion sa kanilang bayan subalit hindi pa alam ang datos kung ilan naman ang bilang ng mga evacuees sa mga coastal barangays.

Bukod dito ay nagpatay sindi din ang ilaw sa kanilang bayan kayat pahirapan sa komunikasyon, mabuti na lamang aniya at noong sila ay nagpatawag ng evacuation ay kusa namang umalis ang mga residente.

Samantala, dahil bumuti na ang lagay ng panahon ay nakauwi na ang mga ito sa kani-kanilang tahanan bagaman bumaba na rin ang tubig baha.

Sa kasalukuyan ay ongoing ang clearing operation sa kanilang bayan at passable naman ang mga kakalsadahan doon.