Dagupan City – Inilikas na ang higit 30 pamilya sa sa Brgy. Chairman Macmac Gutierrez, Dagupan City sa Juan P. Guadiz Elementary School na siyang ginawa na rin bilang evacuation center sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Poblacion Oeste Brgy. Chairman Macmac Guttierez, nasa tintayang higit 60 indibidwal ang mga ito na maaga na ring pinalikas dahil sa banta ng bagyong “Kristine”.

Nilinaw naman ni Gutierrez na kaya pinili ang nasabing paaralan ay dahil sa mas malapit ito kung ikukumpara sa astrodome sa lungsod na siyang ginagawang evacuation centers ng mga residente.

--Ads--

Aniya, resulta naman ang maagang naitalang evacuees ng pagiging alerto, dahil kagabi pa lamang Oktubre 23, 2024 ay naranasan na ng mga residente sa lungsod o sa lalawigan ang malalakas na bugso ng hangin at ang mga pag-ulan, dagdag pa ang mabilisang pagtaas ng tubig sa ilang bahagi ng lungsod.

Kung kaya’t mas minabuti na aniya ng mga ilang residente na naapektuhan partikular na sa bahagi g brgy. Poblacion at kareenan creek iba na nasa hanggang bewang na ang lebel ng tubig.

Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang mga malulubhang pinsala ang kanilang lugar at hindi pa rin inilalabas ang calamity fund ng mga ito hangga’t hindi pa idideklarang nasa ilalim na ang lungsod ng State of Calamity.

Inaasahan naman aniya nilang madaragdagan pa ang bilang nito lalo’t dumaan ang hagupit ng bagyo sa lalawigan ngayong hapon.