Mga kabombo! Karaniwang nakikita natin ang mga zombie apocalypse sa mga movies o kaya ay sa teleserye gaya na lamang ng mga nagiging tampok sa Korea na train to busan at sa mga Hollywood.

Ngunit, ibahin ninyo ang Osaka, Japan – dahil hindi lamang ito nakita, kundi- nakasama pa ng mga pasahero ng personal?
Trending ngayon ang pakulo ng isang train station sa Japan para sa pagdiriwang nila ng halloween special.

Kung saan ang naturang train ay may mga zombies na naglalakad habang nasa kalagitnaan ng biyahe.

--Ads--

Tinawag nila umano itong Zombie Shinkansen na nagkokonekta sa Tokyo at Osaka.

Ayon sa mga pasahero nakakatakot man ang itsura ng mga zombies nakakapagbigay aliw naman sa kanila ito habang nasa biyahe.