DAGUPAN CITY- Tinukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 sa ginanap na ikalawang press conference ang ilang mga lugar na may landlides prones areas sa buong rehiyon uno.

Ayon kay Engr. Jocelyn Oamar,Focal person ng DPWH Region 1, na nakahanda ang kanilang mga kagamitan sa mga lugar o mga kakalsadahan na maaaring makaranas ng landslide na dulot ng bagyong Kristine.

Anya na sa tuwing may mga kalamidad tulad na lamang ng bagyo ay kabilang s kanilang mga tinututukan ang Pangasinan-Nueva Vizcaya Road sa bayan ng San Nicolas, Tagudin-Cervantes Road sa Ilocos Sur, Ilocos Norte-Abra Road, Ilocos Norte-Apayao Road, at Manila North Road sa Pagudpud.

--Ads--

Samantala, tiniyak naman ng kanilang tanggapan ang kahandaan sa agarang pag aksyon at pagresponde sa pag-alis ng mga puno o anumang nakaharang sa mga kakalsadahan upang makaiwas aksidente para sa lahat ng mga motorista

Bukod dito ay patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga district offices nito para sa mga kauklang impormasyon at responsibildad sa magiging epekto ng bagyo sa rehiyon.