Mistulang malawak na ilog ang bahagi ng lungsod ng Naga at ng lalawigan ng Camarines Sur dahil sa walang tigil na ulan dulot ng bagyong Kristine.
Kaugnay nito, kaliwa’t kanan rin ang humihingi ng tulong, nagpaparescue na mga tao sa nasabing lungsod at lalawigan dahil halos lampas na sa bubong ng bahay ang tubig baha.
Hindi na rin madaanan ang mga kakalsadahan.
Gumuho ang tulay na nag kokonekta sa Brgy. San Agustin, Iriga at Brgy. San Juan, Baao, Camarines Sur matapos mag-over flow ang Waras River, gayundin ang Naga River na umapaw na bunsod ng malakas at walang tigil na ulan na dala ng nasabing Bagyong.
Hindi rin nakaligtas ang bahay ni Mayor Jerold Peña sa San Jose Partido, Camarines Sur, na binaha rin dahil sa bagyo.
Maging ang Naga City Government ay nananawagan ng mga Trucks para sa rescue operations.
Habang nanawagan naman si Dating Vice President Leni Robredo sa mga drivers na kayang magmaneho ng boom trucks upang tumulong sa pagresponde.