Nanatiling nakaalerto ang lokal na Pamahalaan ng Alaminos kaugnay sa bagyong Kristine at sa mga posibleng maging epekto nito sa syudad.

Kung saan nauna nang nagsagawa ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalang lokal sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Council para sa Pre-Disaster Risk Assessment Meeting katuwang ang barangay disaster risk reduction management nito, Alaminos City PNP,BFP Alaminos, Cith health office at iba pang mga departamento.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang updates, estratehiya, at plano upang matiyak ang kahandaan ng lungsod sa Bagyo.

--Ads--

Gayundin ang mga lugar na madaling bahain sa tuwing may mga pag-ulan. Kaugnay din nito ay patuloy ang kanilang isinasaagwa pag-iikot upang matiyak ang mga sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Samantala, pinag-iingat naman ang mga residente na manatili lamang sa kanilang Bahay at sumunod sa kanilang mga paalala para makaiwas sa mga insidente.