DAGUPAN CITY – Magkakaroon ng mas mataas na sahod sa buwan ng Nobyembre ang (Ilocos Region) makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P33 umento sa daily pay sa rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Exequiel Ronnie Guzman Director, DOLE Region I magiging epektibo ang panibagong batas sa pasahod sa Nobyembre 7.
Mula sa P435 na minimum wage ay tataas ito ng P468 kung saan masasakupan nito ang lahat ng minimum wage earners sa rehiyon.
Samantala, para naman sa mga above minimum wage earners lalo na sa mga tumatanggap ng P490 kada araw ay hindi na maabutan ng nasabing taas sahod subalit para naman sa mga tumatanggap ng mas mababa dito ay may matatanggap parin na umento.
Habang para naman sa mga maliliit na establisyemento na may mga empleyadong hindi bababa sa 10 ay sumulat lamang sa kanilang opisina upang mabigyan ng exemption ukol dito.
Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng mga employers at workers na umattend sa kanilang isinagawang konsultasyon.
Bukod dito ay nagpaalala naman ito sa mga employes na huwag na sanang antayin na magkaroon pa ng inspection para ipatupad at kapag hindi naman naintindihan masyado ang nasabing batas ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na opisina ng DOLE para maliwanagan kung paano ito iimplementa.